Impormasyon para sa may kahirapan sa paningin na mga bisita

Ang serbiyong Anti Captcha ay nagbibigay ng plataporma para sa paglutas ng iba't ibang uri ng mga captcha ng isang gumagamit sa iba pang mga gumagamit. Mayroon kaming mga kostumer na nagbabayad sa mga manggagawa ng maliit na pabuya sa bawat isang nalulutas na captcha. Ang aming mga manggagawa ay kalimitang nakatira sa mga umuunland na bansa tulad ng Vietnam, Venezuela, Indonesia, Ukraine at iba pa.

Para magamit ang aming serbisyo ang mga kostumer ay gumagamit ng mga espesyal na mga app na kumokonekta sa program interface ng aplikasyon o API ng aming serbisyo. Ang ganitong app ay nagpapadala ng datos ng captcha sa aming API, na itatalaga sa isang nakatenggang manggagawa. Ang manggagawa ay nilulutas ang captcha, ipinapasa ang resulta at saka ito ipinapasa pabalik sa app ng kostumer.

Bawat gawain ay nagkakahalaga ng bahagi ng isang Estados Unidos na dolyar at ikaw ay magbabayad sa bawat gawain. Ang isang libong paglutas ng captcha na imahe ay nagkakahalaga ng pitumpong sentimo. Ang paglutas ng isang libong google recaptcha ay nagkakahalaga ng halos dalawang dolyar.

Upang masimulang magamit ang aming serbisyo kailangan mong magrehistro, mag-topup ng iyong balanse at kopyahin ang espesyal na tatlumpu't dalawang bytes na haba ng susi ng pag-access para sa aplikasyon na gamit mo. Kung gusto mong gamitin ang aming serbisyo sa browser na Chrome, puwede mong i-install ang plugin na ginawa ng aming pangkat. Sa kasamaang palad ang Google ay pinagbabawalan na ang aming plugin sa kanilang Plugins Store at kailangang mong i-install ito ng mano-mano sa pamamagitan ng pahina ng mga extension na nasa mga setting. Ang mga instruksiyon sa pag-install ng plugin ay matatagpuan sa ibang websayt - antcpt.com. Nirerekomenda namin sa mga gumagamit na may kahirapan sa paningin na magsimula sa pag-install ng plugin at bumalik kung sakaling maging tagumpay para sa pag-rehistro ng akawnt. Ito ang mga link na iyong kakailanganin.