Menu

Ang Kinabukasan ng mga CAPTCHA

Sa AntiCaptcha, madalas naming iniisip kung gaano pa katagal maaaring may kaugnayan ang aming serbisyo. Ngayon, sa Disyembre 2023, gusto naming ibahagi sa inyo ang aming mga konklusyon.

Mga imaheng captcha. Kamakailan lang, nakita namin ang pagbalik ng popularidad ng paggamit ng mga makalumang imaheng captcha. Ang pag-ungos ng popularidad ng Recaptcha V2 ay sinundan ng pagkadismaya at pagkakapagod sa ganitong uri ng proteksiyon sa bot. Ang mga tao ay nairita doon sa mga ilaw ng trapiko at mga sasakyan na nasa malalabong, maliliit na imahe na sinadyang gawing ganito upang maiwasan ang mga bot. Kalimitan inaabot ng 1-2 minuto para malutas ang ganitong captcha - hindi makapaniwala ang Google na ikaw ay hindi isang robot. O kaya mula sa IP subnet ng iyong ISP ay may napakaraming pagtatangka para malutas ang captcha nang awtomatiko. Ang mga gumagamit ay talagang hindi nagustuhan ang captcha na ito, pumunta sa amin para sa plugin ng browser na naglulutas nito nang awtomatiko, at siyempre nagreklamo sa suporta ng mga site na kanilang binisita. Kaya ang resulta, maraming site ngayon ang gumagamit na naman ng mga imaheng captcha.

Annoying Recaptcha
Isipin mo habang bumibili ka ng mga tiket sa eroplano, pinupunan ang walang katapusang mga form at pagkatapos ay makikita ito.

AI-captcha. Isang promising na direksyon, sa aming opinyon. Sa ngayon, ang hCaptcha ay gumagawa ng pinakamaraming pag-unlad sa larangang ito. Patuloy nilang binabago ang kanilang mga gawain sa pamamagitan ng paglikha ng isang stream ng mga bagong uri ng mga gawain na nabuo ng mga neural network tulad ng Stable Diffusion. Lubos nitong ginagawang kumplikado ang gawain ng mga serbisyo at aplikasyon na sumusubok na lutasin ang ganitong captcha gamit ang kanilang AI nang walang input ng tao. Kaya naman ang ganitong mga serbisyo ay nasisira kadalasan. Ang AntiCaptcha ay protektado sa problemang ito, dahil ang lahat ng aming mga captcha ay nalulutas ng mga tunay na tao, na palagi naming sinusuri at inaanalisa para sa "humanity".

hCaptcha Stable Diffusion
Ang lahat ng mga larawan ng hCaptcha ay gawa na ngayon ng AI.

Narito ang isang ideya para sa isang startup sa serbisyo ng captcha: gamit ang Stable Diffusion neural network, magsulat ng isang simpleng taga-gawa ng trabaho para rito (puwede na ang GPT) na lumilikha ng mga trabahong binubuo ng mga arbitraryong pang-uri, pangngalan at pandiwa, upang makabuo ng mga trabaho tulad ng "create an image of a yellow dinosaur riding a happy horse on the Moon". Ang isang gumagamit na maglulutas ng ganitong captcha ay kailangang markahan ang lahat ng larawan na may isang hayop na nakasakay sa isa pang hayop, para makahanap ng dinosaur o masayang hayop at kagaya pa nito. Gumawa ng malaking bilang ng mga ganoong arbitraryong gawain nang mas maaga at paikutin ang mga ito. Ang pagka-random na ito ang magpapahirap sa paggawa ng mga awtomatikong sistema na naglulutas ng mga captcha, at talagang malulutas ito ng alinman sa mga tao o susunod na henerasyong General AI. Magiging mas mahal ang paglutas ng mga naturang captcha sa GAI kaysa sa mga totoong tao dahil sa halaga ng mga computational resource.

Example of an image generated by DALL-E
Hindi ba maganda?

Ibig sabihin, papalapit na tayo sa punto kung saan gagawa ang mga neural network ng mga disposable na captcha na ipapasa ng iba pang mga neural network - mga tao o Generative AI. Malapit na ang laban ng mga robot :).

Ang isa pang paraan upang makabuo ng proteksiyon sa awtomasyon ay mga pisikal na susi, na may natatanging fingerprint. Bibili ka ng hiwalay na device na kokonekta sa iyong device sa pamamagitan ng USB o Bluetooth, na, ayon sa ibang protocol, pipirmahan ang mga hiling ng site gami ang pribadong susi nito. Pagkatapos ang site ay beberipikahin ang iyong pirma gamit ang device provider at makatatanggap ng isang natatanging identifier. Ang mga bersiyon na iOS 16, Android 9 at pataas ay mayroon nang suporta para sa teknolohiyang ito. Ang kumpanya ng hCaptcha ang may kagagawan dito, ngunit kapag ang ganitong teknolohiya ay lumaganap, magkakaroon agad ng mga tao na may mga napakadaming device na handang mag-supply ng mga pirma sa napakalaking dami. Ang pangangailangan ay laging lumilikha ng supply.

Example of an image generated by DALL-E
Ang ilan ay nagmimina ng Bitcoin, ang iba ay nagmimina ng mga token ng device.

At panghuli, ang huling yugto ng depensa: pay-for-action. Kung gusto mong magparehistro, magbayad ng maliit na bayad. Halimbawa, ang kumpanyang X (Twitter) ay nagsasagawa ng isang eksperimento: kung gusto mong mag-post o mag-like ng isang bagay, magbayad ng $1 sa isang taon. At hindi ka na makakakita ng anumang captcha, mapoprotektahan ka mula sa mga bot. Tila sa amin ito ay gumagana, dahil sa katunayan ito ay gumagana na ngayon, hindi mo nga lang ito napapansin. Ang pagpasa ng captcha ay micro-labor, gumugugol ka mula 5 hanggang 120 segundo ng iyong buhay. Subukang kalkulahin kung magkano ang halaga nito sa pamamagitan ng paghahati sa iyong buwanang suweldo sa 43200 - ganyan karami ang mga minuto sa isang buwan. Ang mga empleyado sa aming serbisyo ay binabayaran para dito, ngunit ikaw ay hindi kapag nagpasa ka ng captcha sa mga website. Ibig sabihin, ilang taon ka nang nagbabayad para bumisita sa mga site, hindi mo lang ito napapansin. Ang mga nakakaunawa nito at nagpapahalaga sa kanilang oras, lumikha ng isang account sa AntiCaptcha, lagyan ito ng $1, na sapat na para sa napakatagal na panahon, i-install ang aming plugin sa browser at italaga ang pagpapasa ng captcha sa mga mas pinahahalagahan ang kanilang oras ng mas mura.

Sumali rin sa Anti-Captcha!