Mga suportadong uri ng gawain
Mga metodong API
Mga artikulo
Mga tutorial
GitHub
Menu ng dokumentasyon

Listahan ng mga API Error

Ito ang listahan ng mga error na maaaring malikha ng aming API. Mariin naming pinapayo sa mga developer na i-log at analisahin ang lahat ng error ng API at gumawa ng mga aksiyon sa tamang oras, gaya ng pag-aayos ng mga bug sa iyong app at pagbigay ng mga update sa iyong mga gumagamit. Kami ay aktibong pinoprotektahan ang aming API sa mga "nonsense" na kahilingan, gaya ng, gumawa ng parehong error kapag ang parehong kahilingan ay inulit nang paulit-ulit. Kasama rito ang pag-ban sa mga IP at subnet at ang pagsuspende ng mga akawnt sa mga malubhang kaso.

Tagatukoy Code Deskripsiyon
0 Code 0 ay para sa "no errors".
1 ERROR_KEY_DOES_NOT_EXIST Ang susi ng awtorisasyon ng akawnt ay hindi natagpuan sa sistema. Siguraduhin na kinopya mo ito nang tama ng walang mga espasyo at tabulation sign.
2 ERROR_NO_SLOT_AVAILABLE Walang mga tenggang manggagawa sa captcha ang libre sa oras na ito, ang kostumer ay kailangang itaas ang kanilang pinakamataas na tawad sa mga setting ng API sa loob ng lugar ng kliyente o piliin ang hindi mas abalang mga oras para gumawa ng mga gawain. Mga karagdagang impormasyon kung paano gumagana ang mga bid ay matatagpuan sa FAQ.
3 ERROR_ZERO_CAPTCHA_FILESIZE Ang laki ng captcha na iyong ina-upload ay mas mababa sa 100 bytes.
4 ERROR_TOO_BIG_CAPTCHA_FILESIZE Ang laki ng captcha na iyong ina-upload ay mas mataas sa 500,000 bytes.
10 ERROR_ZERO_BALANCE Ang akawnt ay walang o may negatibong balanse.
11 ERROR_IP_NOT_ALLOWED Hindi pinapayagan ang paghiling gamit ang kasalukuyang susi ng iyong akawnt mula sa iyong IP. Mangyaring sumangguni sa seksyon ng listahan ng IP na matatagpuan sa mga setting na pang-seguridad sa loob ng lugar ng kliyente.
12 ERROR_CAPTCHA_UNSOLVABLE Ang captcha ay hindi malutas ng 5 magkakaibang manggagawa. Ang mga kostumer ay sinisingil sa mga ganitong gawain dahil ginagamit nito ang oras ng aming mga manggagawa.
12 ERROR_BAD_DUPLICATES 100% pagkilala na feature ay hindi gumana dahil sa kakulangan ng bilang ng mga pagtatangka sa paghula.
14 ERROR_NO_SUCH_METHOD Ang kahilingan sa API ay ginawa sa pamamagitan ng metodong wala naman. Kadalasang nangyayari ito kapag ang mga programmer ay mali ang pag-type ng mga pangalan ng metodo.
15 ERROR_IMAGE_TYPE_NOT_SUPPORTED Hindi matukoy ang uri ng file sa pamamagitan ng exif header nito o ang uri ng imahe ay hindi sinusuportahan. Ang mga pinapayagang format lamang ay JPG, GIF, PNG. Ang mga imahe ay dapat mayroong EXIF header na mayroong impormasyon tungkol sa uri ng imahe.
16 ERROR_NO_SUCH_CAPCHA_ID Ang captcha na iyong hinihiling ay wala sa iyong aktibong listahan ng mga captcha o napaso na.
Ang mga captcha ay inaaalis sa API pagkatapos ng 60 minuto pagkatapos makumpleto ang gawain ng manggagawa. Sa panahong ito ang iyong app ay dapat ipadala ang lahat ng mga poll ng resulta ng gawain at ang tamang/maling kahilingan sa pag-uulat.
21 ERROR_IP_BLOCKED Ang iyong IP ay hinarang dahil sa maling paggamit ng API. Tingnan ang rason dito.
22 ERROR_TASK_ABSENT Katangian ng "task" ay walang laman o hindi nai-set sa createTask na metodo.
23 ERROR_TASK_NOT_SUPPORTED Ang uri ng gawain ay hindi suportado o na-type nang mali. Mangyaring suriin ang katangian na "type" sa bagay ng gawain.
24 ERROR_INCORRECT_SESSION_DATA Ilan sa mga kinakailangang mga halaga para sa mga sunod-sunod na emulation ng gumagamit ay nawawala. Ang output ng API ay naglalaman ng mga karagdagang detalye ng mga nawawala.
25 ERROR_PROXY_CONNECT_REFUSED Hindi makakonekta sa proxy ng gawain, hindi tinanggap ang koneksiyon.
26 ERROR_PROXY_CONNECT_TIMEOUT Hindi makakonekta sa proxy ng gawain, ang koneksiyon ay nag-timeout.
27 ERROR_PROXY_READ_TIMEOUT Nag-timeout ang pagbasa ng proxy ng gawain
28 ERROR_PROXY_BANNED Ang IP ng proxy ay na-ban ng puntiryang serbisyo.
29 ERROR_PROXY_TRANSPARENT Ang gawain ay tinanggihan sa estado ng pagsusuri ng proxy. Ang proxy ay dapat na hindi-transparente upang maitago ang IP ng aming server. Gamitin ang aming proxy checker na gamit para ma-debug ang iyong proxy.
30 ERROR_RECAPTCHA_TIMEOUT Pag-timeout ng gawain sa recaptcha, marahil sa mabagal na server ng proxy o server ng Google
31 ERROR_RECAPTCHA_INVALID_SITEKEY Ang tagabigay ng captcha ay iniulat na ang susi ng site ay hindi balido.
32 ERROR_RECAPTCHA_INVALID_DOMAIN Ang tagabigay ng captcha ay iniulat na ang domain para sa susi ng site na ito ay hindi balido.
33 ERROR_RECAPTCHA_OLD_BROWSER Ang tagabigay ng captcha ay iniulat na ang user-agent ng browser ay hindi tugma sa kanilang javascript
34 ERROR_TOKEN_EXPIRED Ang tagabigay ng captcha ay iniulat na karagdagang paiba-ibang token ay napaso. Mangyaring subukang muli gamit ang bagong token.
35 ERROR_PROXY_HAS_NO_IMAGE_SUPPORT Ang proxy ay walang suporta sa paglipat ng datos ng imahe galing sa mga server ng Google. Gamitin ang aming proxy checker na gamit para ma-debug ang iyong proxy.
36 ERROR_PROXY_INCOMPATIBLE_HTTP_VERSION Ang proxy ay walang suporta sa mga mahabang GET request na may habang aabot sa 2000 bytes at walang suporta sa mga SSL na koneksiyon. Gamitin ang aming proxy checker na gamit para ma-debug ang iyong proxy.
49 ERROR_PROXY_NOT_AUTHORISED Ang login at password ng proxy ay mali. Gamitin ang aming proxy checker na gamit para ma-debug ang iyong proxy.
51 ERROR_INVALID_KEY_TYPE Ang nakapasa na sitekey ay mula sa isa pang uri ng Recaptcha. Subukang lutasin ito bilang V2, V2-invisible o V3.
52 ERROR_FAILED_LOADING_WIDGET Hindi mai-load ang widget ng tagabigay ng captcha sa browser ng manggagawa. Mangyaring magpadala ng bagong gawain.
53 ERROR_VISIBLE_RECAPTCHA Ang karaniwang Recaptcha V2 ay tinangkang lutasin bilang Recaptcha V2 invisible. Alisin ang flag na 'isInvisible' sa payload ng API.
54 ERROR_ALL_WORKERS_FILTERED
Walang manggagawang natira na hindi nasala ng reportIncorrectRecaptcha na metodo.
55 ERROR_ACCOUNT_SUSPENDED Ang sistema ay sinuspende ang iyong akawnt dahil sa mahalagang rason. Kontakin ang suporta para sa mga detalye.
56 ERROR_TEMPLATE_NOT_FOUND Ang template ng AntiGate ay hindi natagpuan sa pamamagitan ng pangalan nito sa panahon ng paggawa ng gawain.
57 ERROR_TASK_CANCELED Ang gawain ng AntiGate ay kinansela ng manggagawa. Tingnan ang field na "errorDescription" para sa dahilan ng pagkansela.