Menu

Paano i-bypass ang anumang captcha gamit ang mga gawaing AntiGate

Ang bagong bersiyon ng video ng tutorial ng mga gawaing Antigate ay abeylabol dito.

Pagkatapos ng ilang taong pagsusuri at pagpapaunlad, ipinakikilala namin ang unibersal na solusyon para matulungan ang mga robot na malampasan ang mga harang na captcha na gawa ng mga tao. Tinatawag namin itong "AntiGate", at ito ay mga scenario template na ginagamit ng aming mga manggagawa para magawa ang mga eksaktong gawain.

Sa isang punto, kung ang iyong app ay nakaharap ang isang proteksyon sa awtomasyon na "gateway" na may bagong uri ng captcha, mga natatagong script ng browser, o kahit na ano. Dito papasok ang aming mga hakbang sa AntiGate. Itatalaga mo ang isa sa aming mga manggagawa para gumawa ng totoong-tao na sesyon sa browser.
  • Una, pumili ng template. Maaari kang gumamit ng gawa na o gumawa ng sarili mo. Ang template ay set ng mga magkakasunod na mga panuto na gagawin ng mga manggagawa.
  • Pangalawa, magbigay ng karagdagang data na kinakailangan ng template, gaya ng halaga ng input na ilalagay, ang CSS selector ng input, o web adres na kailangang puntahan. Pag-uusapan pa natin ang tungkol sa mga template sa ilang sandali.
  • Pangatlo, at opsiyonal - mga proxy. Kailangan mo ito kapag ang websayt ay itinatalaga ang bawat cookie ng sesyon sa pamamagitan ng eksaktong IP address.
Ang pagkakaroon ng tatlong ito, gagawa ka ng gawain gamit ang aming API. Ang manggagawa ay magna-navigate sa iyong websayt gamit ang aming espesyal na plugin sa browser at isasagawa ang lahat ng mga hakbang nang mano-mano o awtomatiko. At sa dulo ng script, kukunin namin ang lahat ng kanilang impormasyon sa browser gaya ng mga cookie, mga halaga ng localStorage, fingerprint ng browser at ibabalik ito sa iyong app. Ang gagawin mo na lamang ay gamitin ang data na ito para maibalik ang sesyon ng aming manggagawa at ipagpatuloy ang mga operasyon na para bang ito ay isang tao na gumagamit. Ngayon, talaga namang nakamamangha 'di ba? :)

Ano ang mga template na AntiGate?

Ang template na AntiGate ay nangangahulugang eksaktong sitwasyon na dapat pagdaanan ng aming mga manggagawa. Ang mga template ay mayroong mga hakbang, kung saan ang lahat ay ginagawa nang magkakasunod. Kapag ang isang hakbang ay nakumpleto, ang manggagawa ay pupunta sa susunod. Kapag ang lahat ng hakbang ay nakumpleto, ang gawain ay tapos na, at ang snapshot ng sesyon ng manggagawa ay kukunin at ipadadala pabalik sa iyong app.

Anong uri ng mga gawain ang nandoon?
  • Punan ang input field ng teksto nang awtomatiko o mano-mano.
  • Hintayin ang halimbawang teksto na lumabas (o mawala) sa pahina.
  • Hintayin ang DOM element na tinukoy ng CSS na lumabas (o mawala) sa pahina.
  • Hintayin ang keyword na lumabas sa (o mawala sa) kasalukuyang URL address ng browser ng manggagawa.
Ang text field ng template na "description for workers" ay maaaring ilarawan ang iba pang mga hakbang na inaasahan mula sa manggagawa. Halimbawa: "Solve a captcha and press the submit button".
Tingnan natin ang isang halimbawa. Pumunta sa Sentro ng mga Developer at gumawa ng libreng template para sa pagsusuri. Huwag mag-alala, wala kang anumang masisira!
Pindutin para magdagdag ng template
Pindutin para mag-load ng halimbawa
Tandaan ang seksiyon ng mga hakbang
Nai-load mo ang halimbawang pangdemonstrasyon. Maaari mong i-save ito sa iyong akawnt at suriin ito mamaya. Alamin natin ang buong listahan ng mga katangian ng template:
  • Pangalan ng template. Kapag nai-save na, hindi na ito maiiba. Kapag nailathala mo na ito, ang iyong template ay magiging abeylabol sa API sa pangalang ito.
  • Deskripsiyon para sa mga kostumer. Pampublikong mga template na abeylabol sa aming direktoryo ng mga template.
  • Paglalarawan para sa mga manggagawa. Ito ang teksto na nakikita ng aming mga manggagawa sa itaas ng pahina.
    Halimbawa ng interface ng mga manggagawa
  • Mga variable. Ito ay listahan ng mga pangalan ng variable na maaaari mong idagdag para magamit sa mga gawain sa halip na mga permanenteng halaga. Sa halimbawang ito, mayroon tayong 2 variable, "login" at "password". Ang 2 ito ay ginamit sa mga hakbang na 1 at 2 para mapunan ang pangdemonstrayong sign-in na form. Sa paraang ito, maaari mong ibigay ang mga halagang ito sa pamamagitan ng API sa halip na mag-hardcode ng permanenteng login at password sa template.
    Mga variable na ginamit sa mga hakbang na 1 at 2
  • . Maaari mo ritong i-edit at palitan ang pagkakasunod ng mga hakbang. Sa aming halimbawa, gagawin ang mga sumusunod:
    1. Awtomatikong punan ang text field gamit ang CSS selector na "#login". Ang halaga para sa text field ay tinutukoy ng variable na "login".
    2. Awtomatikong punan ang text field gamit ang CSS selector na "#password". Ang halaga para sa text field ay tinutukoy ng variable na "password".
    3. Hintayin ang tekstong kontrol na lumabas sa pahina. Ito ay permanenteng nai-set sa halagang "Test passed with login".

Maaari mo nang i-save ang template, at ito ay lalabas sa iyong Sentro ng Developer. Pansinin na ito ay mayroong "Sandbox" na status, ibig sabihin ito ay abeylabol lamang sa iyo at hindi abeylabol sa API. Mula rito, maaari mong suriin ang iyong bagong-gawa na template na para bang ikaw mismo ang sarili mong manggagawa.

Sinusuri ang mga template

Sa puntong ito, kailangan mong gamitin ang Chrome na browser, at nirerekomenda namin na gumawa ka ng bagong user profile sa browser na ito dahil kailangan naming i-install ang aming plugin, na may pahintulot sa mga cookie ng profile.
Halimbawa ng interface ng mga manggagawa
Susunod, sa card ng iyong template, pindutin ang "test" na boton.
Sundin ang mga instruksiyon at i-download ang plugin para sa iyong platform. Pagkatapos, i-reload ang pahina para magkabisa ito, punan ang mga variable ng "login" at "password" ng mga random na value at pindutin ang boton na "Launch Test". May bagong pahina dapat na magbubukas na mukhang ganito:

Malapit sa adres bar, mayroong bughaw na bar na idinadagdag ng plugin sa itaas ng puntiryang pahina. Ganito nalalaman ng mga manggagawa ang tungkol sa kanilang mga gawain at kontrolin ang pagsasagawa ng gawain.

At tsaka, tandaan na ang mga nilalagay sa login at password ay itinatago kapag ito ay pinupunan ng mga halaga. Ito ay sinasadya. Kahit na ang aming mga manggagawa ay may buong pahintulot sa data ng gawain sa pamamagitan ng console ng developer, 99.99% sa kanila ay walang pakialam kung ano ang nangyayari sa likod ng mga eksena.
Sa paglutas ng Recaptcha, pindutin ang "Sign In" na boton. Ang huling hakbang ng template, "WAIT_CONTROL_TEXT_PRESENT", ay ipapasa. Ang plugin ay hahanapin ang parirala ng kontrol na "Test passed with login", na permanenteng natutukoy sa iyong template. Ang tab ay awtomatikong sasara at ang snapshot ng sesyon ay ipapakita sa mga resulta.
Mga halimbawa ng resulta

Ang kaparehong snapshot ng data ay maaaring makuha mula sa API. Ngunit para maging abeylabol ang iyong template sa API, una, dapat mailathala muna ito.

Inilalathala ang mga template

May 2 kang opsiyon sa paglalathala ng template: gawin itong pribado o publiko.
  • Ang mga pribadong template ay abeylabol lamang sa pamamagitan ng susi ng iyong API. Ang ibang mga kostumer ay hindi maaaring gamitin ito. Ang presyo sa pagrebyu at paglalathala: $1.
  • Ang mga pampublikong template ay abeylabol sa lahat. Kikita ka ng 5% sa bawat gastos ng kostumer sa template na ito. Kailangan mong mag-iwan ng iyong kontak para sa aming mga kostumer upang maaabot ka nila kung sakaling may mangyaring kamalian sa iyong template. Ang presyo sa pagrebyu at paglathala: $1.
Nirerebyu namin ang lahat ng mga template nang maigi. Kailangan mong sundin ang mga pangunahing kinakailangan para matagumpay na makalipat sa produksyon na mode:
  • Walang anumang uri ng ilegal na aktibidad.
  • Ang mga template ay dapat walang kapareho.
  • Huwag magsumite ng mga dummy o mga template na di pa pinal.
  • Magbigay ng halimbawang web adres at variable na halaga para sa rebyu. Maglulunsad kami ng pagsusulit, at ang lahat ng mga hakbang ay dapat makumpleto nang matagumpay.

Mga kahilingan sa API

Ang kahilingang paggawa ng gawain sa API para sa AntiGate na template na nasa itaas ay simpleng magmumukha nang ganito:

curl -i -H "Accept: application/json" \
     -H "Content-Type: application/json" \
     -X POST -d '{
    "clientKey":"YOUR_API_KEY",
    "task":
        {
            "type":"AntiGateTask",
            "websiteURL":"https://anti-captcha.com/demo/?page=recaptcha_v2_textarea",
            "templateName":"Demo sign-in at anti-captcha.com #123456",
            "variables": {
                "login":"some value",
                "password":"some value"
            }
        }
}' https://api.anti-captcha.com/createTask

Ibig sabihin, ipapasa mo ang "templateName" at "variables" na mga parametro para punan ang template.

Paggamit ng mga resulta ng gawain

Ang mga matagumpay na nakumpletong AntiGate na gawain ay nagbabalik ng solusyon na kabilang ang "cookies", "localStorage", "fingerprint" at "url". Ang kailangang gawin ng iyong software ay mag-navigate sa "url" gamit ang "cookies" sa kahilingang ito, at gumamit ng "fingerprint.self.navigator.userAgent" na halaga para sa User-Agent ng browser. Ang mga mas kumplikadong websayt ay nag-iimbak ng mahalagang data sa localStorage, na isang uri ng modernong bersiyon ng mga cookie. Sa kasong ito kailangan mong ipasok ang data na ito sa pahina bago ang aktwal na pagpapagana ng anumang mga Javascript. Ang mga ito ay maaaring gawin sa development environment tulad ng Puppeteer. Ang paksang ito ay maaaring nararapat na nasa isa pang artikulo.

Paggawa ng mga sarili mong template

Simpleng sundin ang mga hakbang sa itaas na hindi nilo-load ang halimbawang template. Punan ang mga detalye nang tama at dahan-dahang idagdag ang mga hakbang. Tandaan na ang lahat ng mga hakbang ay isinasagawa nang magkakasunod. Ang plugin ay hindi papayagan na gawin ang susunod na hakbang hanggang ang kasalukuyang gawain ay hindi pa nakukumpleto. Anumang oras, maaaari mong i-save ang iyong template at suriin ito gamit ang plugin ng browser ng manggagawa.

Presyo

Sa oras na ito, itinatakda namin ang presyo sa $2 kada 1000 na mga gawain. Karagdagan, sa bawat segundo ng pagsagawa ng gawain ay nagkakahalaga ng 1/60 ng presyo ng gawain. Halimbawa, ang gawain ay nagkakahalaga ng $0.002, at ang manggagawa ay inabot ng 20 segundo sa pagresolba nito.
Ang pinal na halaga ay magiging $0.00266 = 0.002 + (0.002 / 60 * 20) .