Mga suportadong uri ng gawain
Mga metodong API
Mga artikulo
Mga tutorial
GitHub
Tutorial pages

reportIncorrectRecaptcha: magpadala ng reklamo sa token ng Recaptcha

Ang mga reklamo ay tinatanggap lamang para sa mga V2 at V3 na Recaptcha, kasama ang Enterprise Recaptcha. Importante na basahin ang sumusunod na deskripsiyon, kung hindi ang aming sistema ay baka i-ban ang iyong mga ulat.

Dahil sa kawalang kakayahan namin na suriin ang iyong ulat gaya ng ginagawa namin sa mga imaheng captcha, ang iyong reklamo ay unang dumadaan sa pagsusuri ng estadistika sa aming backend, at pagkatapos ay tinatanggap lamang kung ito ay may positibong kalalabasan. Ang karaniwan naming ginagawa ay ang pagkumpara ng estadistika ng iyong mga ulat sa estadistika ng iba naming mga pinagkakatiwalaang mga kostumer. Kapag ang rate ng iyong pag-ulat ay may napakalaking pagkakaiba sa ibang mga ulat, ito ay hindi papansinin sa loob ng ilang araw. Kaya, para sa pinakamagandang resulta dapat mong i-monitor ang iyong mga proseso ng awtomasyon at magpadala lamang ng mga ulat kapag ikaw ay 100% sigurado na ang Recaptcha ay mali.

Hindi lahat ng mga ulat ay tinatanggap. Para makalkula ang iyong karaniwang rate ng pagkakamali na may tamang lebel ng pagkatiyak, pinakamababa ang 100 ng mga gawaing recaptcha kada akawnt ang dapat na ipadala para sa pagkilala kada 24 oras.

Ang mga ulat ay dapat na ipadala sa loob ng 60 segundo pagkatapos makumpleto ang gawain. Kapag mamaya mo pa ipapadala ang ulat, ang API ay ibabalik ang ERROR_NO_SUCH_CAPTCHA_ID na error. Pinapayagan na magpadala ng isa lang na ulat kada gawain.

Adres: https://api.anti-captcha.com/reportIncorrectRecaptcha
Metodo: POST
Content-type: application-json

Mga katangian ng kahilingan

KatangianUriKinakailanganLayunin
clientKeyStringOo
taskIdIntegerOo

Halimbawa ng kahilingan

curl -i -H "Accept: application/json" \
-H "Content-Type: application/json" \
-X POST -d '{
  "clientKey":"YOUR_API_KEY",
  "taskId":12345
}' https://api.anti-captcha.com/reportIncorrectRecaptcha


Istraktura ng tugon

KatangianUriLayunin
errorIdIntegerTagatukoy ng error.
0 - walang mga error, ang operasyon ay nakumpleto nang matagumpay.
>1 - tagatukoy ng error. Error code at maikling deskripsiyon ay nailipat sa errorCode at errorDescription na mga katangian.
errorCodeString
errorDescriptionStringMaikling deskripsiyon ng error
statusString
Resulta ng operasyon. Ikaw ay maaaring makatanggap ng error code o status="tagumpay" kapag ang reklamo ay tinanggap.

Halimbawa ng tugon

JSON na walang mga error
JSON na may error
{
    "errorId":0,
    "status":"success"
}